Add parallel Print Page Options

11 At ang kaban ng Dios ay kinuha; at ang (A)dalawang anak ni Eli, si Ophni at Phinees ay pinatay.

Ang kamatayan ni Eli.

12 At tumakbo ang isang lalake ng Benjamin na mula sa hukbo, at (B)naparoon sa Silo nang araw ding yaon, na may barong hapak at (C)may lupa sa kaniyang ulo.

13 At nang siya'y dumating, narito, si Eli ay nakaupo (D)sa kaniyang upuan sa tabi ng daan na nagbabantay; sapagka't ang kaniyang puso'y nanginginig dahil sa kaban ng Dios. At nang ang tao ay pumasok sa bayan, at saysayin ang mga balita, ang buong bayan ay humiyaw.

Read full chapter